Desiderata by Max Ehrmann
Go
placidly amid the noise and haste, and remember what peace there may be in
silence.
As far as
possible without surrender be on good terms with all persons.
Speak
your truth quietly and clearly; and listen to others, even the dull and
ignorant; they too have their story.
Avoid
loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit.
If you
compare yourself with others, you may become vain and bitter;
for
always there will be greater and lesser persons than yourself.
Enjoy
your achievements as well as your plans.
Keep
interested in your career, however humble; it is a real possession in the
changing fortunes of time.
Exercise
caution in your business affairs; for the world is full of trickery.
But let
this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high
ideals;
and
everywhere life is full of heroism.
Be
yourself.
Especially,
do not feign affection.
Neither
be critical about love; for in the face of all aridity and disenchantment it is
as perennial as the grass.
Take
kindly the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth.
Nurture
strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress
yourself with imaginings.
Many
fears are born of fatigue and loneliness. Beyond a wholesome discipline, be
gentle with yourself.
You are a
child of the universe, no less than the trees and the stars;
you have
a right to be here.
And
whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it
should.
Therefore
be at peace with God, whatever you conceive Him to be,
and
whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life keep peace
with your soul.
With all
its sham, drudgery and broken dreams, it is still a beautiful world. Be
careful. Strive to be happy.
Desiderata
salin sa tagalog ni
Benilda Santos
Humayo nang payapa
sa gitna ng ingay at pagkukumahog
at tandaang may
katiwasayang masusumpungan sa katahimikan.
Hanggang kakayanin
at nang hindi sumusuko,
pakitunguhan nang
mabuti ang lahat.
Sambitin ang
sariling katotohanan nang mahinahon at walang gatol
at pakinggan ang
iba, kahit ang pulpol at mangmang.
Sila man ay may
masasabi.
Iwasan ang hambog
at mapusok; nakaliligalig sila ng loob.
Kung ihahambing ang
sarili sa iba, baka maging palalo o puno ng hinampo
dahil laging may
makahihigit o mababa sa iyo.
Masiyahin sa iyong
tagumpay, maging sa iyong mga balak.
Pangalagaan ang
iyong hanapbuhay gaano man kahamak;
iyay maaasahang
pag-aari sa pabago-bagong kapalarang dala ng panahon.
Mag-ingat sa
pakikipagnegosyo pagkat puno ng bulaan ang mundo.
Ngunit huwag naming
magbulag-bulagan sa kabutihan.
Marami ang
nagsisikap maabot ang kadakilaan,
at saan mang dakoy
may kabayanihan.
Magpakatotoo sa
sarili. Higit sa lahat, huwag magpanggap sa pagmamahal.
Subalit huwag ding
kutyain ang pag-ibig
pagkat sa harap ng
lahat ng kawalan ng sigla at pag-asa
lagi itong
tumutubong muli tulad ng damo.
Tanggapin nang
mahinahon ang payo ng taon,
at isuko nang
magiliw ang mga biyaya ng kabataan.
Patatagin ang
espiritu bilang pansanggalang sa di-inaasahang kasawian.
Ngunit huwag
magpakaligalig sa mga nakababahalang alalalahanin.
Maraming pangamba
ang dulot ng pagod at pangungulila.
Bukod sa
pagkakaroon ng sapat na disiplina, maging malumanay sa sarili.
Supling ka ng
uniberso, gaya ng mga punot tala
karapatan mong
dumito.
At malinaw man ito
o hindi sa iyo
walang alinlangan,
sadyang namumukadkad ang uniberso.
Kaya maging payapa
sa Panginoon
paano man ang
pagkilala mo sa Kanya
at anuman ang iyong
pagsisikap at pangarap;
sa maingay na
kaguluhan ng buhay
panatilihing
panatag ang iyong loob.
Sa kabila ng
pagkukunwari, kawalang-kawawaan, at bigong pangarap,
Maganda pa rin
itong mundo.
Maging masayahin.
Sikaping lumigaya.
No comments:
Post a Comment