Read this E-book for Free or Buy for only USD1.99

Read this E-book for Free or Buy for only USD1.99
Read this E-book for Free or Buy for only USD1.99! Three thought-provoking, creepy stories to blow your mind!
Showing posts with label tagalog poems. Show all posts
Showing posts with label tagalog poems. Show all posts

El Canto Del Viajero (Song of the Wanderer) by Jose Rizal - Spanish, English, and Tagalog Versions

El Canto Del Viajero (Spanish – original version)
By Jose Rizal

Hoja seca que cuela indecisa
Y arrebata violente turbión,
Asi vive en la tierra el viajero,
Sin norte, sin alma, sin patria ni amor.

Busca ansioso doquiera la dicha
Y la dicha se aleja fugaz:
Vana sombra que burla su anhelo! ...
Por ella el viajero se lanza a la mar!

Impelido por mano invisible
Vagara confín en confín;
Los recuedos le harán compañia
De seres queridos, de un día felíz.

Una tumba quizá en el desiero
Hallará, dulce asilo de paz,
De su patria y del mundo olvidado ...
Descanse tranquilo, tras tanto penar !

Y le envidian al triste viajero
Cuando cruza la tierra veloz ...
Ay! no saben que dentro del alma
Existe un vacio de falta el amor!

Volverá el peregrino a su patria
Y a sus lares tal vez volverá,
Y hallará por doquier nieve y ruina
Amores perdidos, sepulcros, no más.

Ve, Viajero, prosigue tu senda,
Extranjero en tu propio país;
Deja a otros que canten amores,
Los otros que gocen; tu vuelve a partir.

Vé, viajero, no vuelvas el rostro,
Que no hay llanto que siga al adiós;
Ví, viajero, y ahoga tu penas;
Que el mundo se burla de ajeno dolor.

Awit ng Manlalakbay (Tagalog version)
by Jose Rizal

Kagaya ng dahong nalanta, nalagas,
Sinisiklut-siklot ng hanging marahas;\
Abang manlalakbay ay wala nang liyag,
Layuin, kalulwa't bayang matatawag.

Hinahabul-habol yaong kapalarang
Mailap at hindi masunggab-sunggaban;
Magandang pag-asa'y kung nanlalabo man,
Siya'y patuloy ring patungo kung saan!

Sa udyok ng hindi nakikitang lakas,
Silanga't Kanlura'y kanyang nililipad,
Mga minamahal ay napapangarap,
Gayon din ang araw ng pamamanatag.

Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw,
Siya'y maaaring doon na mamatay,
Limot ng daigdig at sariling bayan,
Kamtan nawa niya ang kapayapaan!

Dami ng sa kanya ay nangaiinggit,
Ibong naglalakaby sa buong daigdig,
Hindi nila tanto ang laki ng hapis
Na sa kanyang puso ay lumiligalig.

Kung sa mga tanging minahal sa buhay
Siya'y magbalik pa pagdating ng araw,
Makikita niya'y mga guho lamang
At puntod ng kanyang mga kaibigan.

Abang manlalakbay! Huwag nang magbalik,
Sa sariling baya'y wala kang katalik;
Bayaang ang puso ng iba'y umawit,
Lumaboy kang muli sa buong daigdig.

Abang manlalakbay! Bakit babalik pa?
Ang luhang inyukol sa iyo'y tuyo na;
Abang manlalakbay! Limutin ang dusa,
Sa hapis ng tao, mundo'y nagtatawa.

 

Song of the Wanderer (English Version)
By Jose Rizal


Dry leaf that flies at random
till it's seized by a wind from above:
so lives on earth the wanderer,
without north, without soul, without country or love!

Anxious, he seeks joy everywhere
and joy eludes him and flees,
a vain shadow that mocks his yearning
and for which he sails the seas.

Impelled by a hand invisible,
he shall wander from place to place;
memories shall keep him company
of loved ones, of happy days.

A tomb perhaps in the desert,
a sweet refuge, he shall discover,
by his country and the world forgotten
Rest quiet: the torment is over.

And they envy the hapless wanderer
as across the earth he persists!
Ah, they know not of the emptiness
in his soul, where no love exists.

The pilgrim shall return to his country,
shall return perhaps to his shore;
and shall find only ice and ruin,
perished loves, and graves
nothing more.

Begone, wanderer! In your own country,
a stranger now and alone!
Let the others sing of loving,
who are happy
but you, begone!

Begone, wanderer! Look not behind you
nor grieve as you leave again.
Begone, wanderer: stifle your sorrows!
the world laughs at another's pain.

Selected Tagalog Poems in Philippine Literature


ALAALA 
ni Maria Luisa F. Torres

Bakit ganoon ang alaala?
Sala sa init, sala sa lamig. May gusto kang tandaan, 
lumilipad, parang ibon. 


May ibig kang kalimutan, 
kapit-tuko, nakapagkit.

Parang makahiya, 
pag nakanti, namamaluktot. 
Parang karayom at sinulid 
na nagkabuhol-buhol.
O kaya’y tipaklong 
na tatalon-talon. 
Parang kukong ikinakaskas
sa salamin 
nakakangilo, nakakahilo 
Malambot na unan 

sa himbingan, 
nasis mong hagkan-hagkan. 

Bakit ganoon ang alaala? 
May patay na binubuhay, 
buhay na pinapatay. 



AWIT NG ISANG KABALYERO 
ni: Reuel M. Aguila 


Huwag kang tumangis 
sa panahon ng taglagas 
Kung ang mga daho’y 
humahalik sa talampakan 


Ilang panahon lang 
ako’y muling mamumukadkad 
ng mga pulang bulaklak

Tatangayin ng hangin
ang aking mga binhi
sa mga pulo-pulo 
Upang doo’y 
may tumubo ring
mga puno ng kabalyero 


At darating na naman 

ang taglagas ang pamumulaklak 
At tatangaying muli ng hangin
ang mga binhi 
hanggang sa buong kapuluan 


HAYOK 

ni Fatima V. Lim 


Kay lapot ng gabi. 


buwan ay nahating itlog, 

palutang-lutang sa ulapang lugaw.

natutunaw ang mga bituin 
asing ikinalat sinisipsip ng dilim. 


pulutang adhika, 

patikim, 
aking luha'y’ walang lasa. 


Bukas, 

magigising na ako ng mahimbing
busog sa bangungot. 


OYAYI

ni: Rio Alma 


Meme na, bunsong sinta,

Ang ina mo e ‘ala pa.
Sumaglit ke Kabesa 
At hihiram lang ng pera 


Meme na, bunsong sinta, 

Ang ina mo e ‘ala pa. 
Di masundo ni Ama
At kabayo ng malarya


Meme na, bunsong sinta, 

Ang ina mo e ‘ala pa 
Naglit lang ke Kabesa
Inabot na ng K’waresma


Meme na, bunsong sinta, 

Ang ina mo e ‘ala pa. 
Sinundo na ni Ama
Kahit habol ang paghinga 


Meme na, bunsong sinta, 

Ang ina mo e ‘ala pa. 
Nang abutan ni Ama, 
Nalilisan na ng saya.

Short Beautiful Poems in Phil Lit

Rain
By: M.de Gracia Concepcion

After the rain,
Darkness lifts to luminous acres
Of space above---
And earth’s sweet scents
Breathe anew.


Lonely
By: M.de Gracia Concepcion

I sit alone,
Thinking sharp thoughts
And as warmless as the glacial sun.
I sit alone like a frozen rock
Left and embedded deep in glacial rivers---
Lonely.


Picture Show
By: Guillermo Castillo


By God’s divine will,
I waken sitting in the dark
With my attention set
Upon a screen before me
While God behind me in His closet
With his intricate machines
Projects a Moving Picture Show
A masterpiece which we call—Life.



Death
By: Herminio M. Beltran

We are
Leaves on Life’s tree—
And death is the wind that shakes
The branches gently till its leaves
All fall.

Selected Poems from Nick Joaquin

Here are selected poems from my favorite author and National Artist, Nick Joaquin: 
 

The Martyr 

 

 Being in love means never having to say you’re sorry
After all, at some point in your life
That love was the most important thing to you,
That love might be the one that you hoped would last forever,
That love made you believe that destiny does exist,
And that love made you question,
Why you were afraid to fall in love in the first place.
At that time in your life,
Everything just seemed so perfect,
Everything seemed so beautiful,
Everything seemed to glow for you,
And you were my everything.
I wouldn't even think twice about sacrificing
my own happiness for yours,
I was even willing to bare up this walled but crumpled heart of mine,
Just so I could be with you.
All I ever did was care for you.
All I ever did was to make you happy.
And all I ever did was love you.
Being in love means never having to say you’re sorry
But I needed to ask forgiveness from the one who was hurt the most… Myself.

 

Happy Never After 

 

How could I possibly stay awake
Despite knowing what horrors await me In this life full of lies and despair
Where the only hope that remains Is having you near me.

And yet,
However I push myself towards you,
The more I feel like we’re never meant to be,
The more we try to reach each other,
The more I feel so alone.
How could I possibly live my happily ever after
Without you by my side


Where even the fairy tales pale in comparison
for how much I feel for you
When will He finish this chapter?
Does it even end
Surely, any end is better than a one left hanging
For a simple No, might simply be the best answer
Rather than to face the agony of waiting
and fear of the unknown.


Strangers at First Sight 

 

How could you possibly start from nothing?
And then end up as everything?
I never thought I’d feel this way again…
More like I pushed myself to never fall victim again
To this arresting feeling
How ironic is it, That what I wanted to lose the most,
Is what most people long for their whole life
I don’t know what to do,
Guess I’ll just ignore everything again,
Time to shut my senses to all the assaults that the world has to offer…
After all, I’ve suppressed everything so far
What’s one more to add?

Phil. Lit Love Poems 2: Tagalog




Ang Kanyang Mga Mata
By: Clodualdo del Mundo

Dalawang bituing
kumikislap-kislap
sa gitna
ng dilim. . .

Tambal ng aliw
na sasayaw-sayaw
sa tuwing ako’y
naninimdim. . .
Bukang-liwayway
ng isang pagsintang
walang maliw!

Takipsilim
ng isang pusong
di magtataksil!

Dahil Sa Pag-ibig
by Iñigo Ed. Regalado.
KAHAPON...
Sa tingin ko’y tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang mallit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot mo’y lason.

NGAYON...
Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawa’t makita,
pati ng libingang malayo’t ulila
wari’y halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akala’y tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo’y
nagwagi ang layon.

BUKAS...
Sino baga kaya ang makatatatap
ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
na inaamihan at hinahabagat;
itong Daigdigan ay isang palanas
na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asa’y
mahirap mataya...
Kahit Saan
by José Corazón de Jesús

Kung sa mga daang nilalakaran mo,
may puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya’y ako!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim,
nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw
at ika’y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!

Kung tumingala ka sa gabing payapa
at sa langit nama’y may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana
ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya’y ako, Mutya!

Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga,
isang paruparo ang iyong nakita
na sa masetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iya’y ako, Sinta!

Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan
ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw,
kundi mo mapahid sa panghihinayang
at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao’y ako, Hirang!

Ngunit kung ibig mong makita pa ako,
akong totohanang nagmahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . .
magkikita tayo!

Desiderata by Max Ehrmann (English and Tagalog version)

Desiderata by Max Ehrmann

Go placidly amid the noise and haste, and remember what peace there may be in silence.
As far as possible without surrender be on good terms with all persons.
Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even the dull and ignorant; they too have their story.
Avoid loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit.
If you compare yourself with others, you may become vain and bitter;
for always there will be greater and lesser persons than yourself.

Enjoy your achievements as well as your plans.
Keep interested in your career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time.
Exercise caution in your business affairs; for the world is full of trickery.
But let this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals;
and everywhere life is full of heroism.

Be yourself.
Especially, do not feign affection.
Neither be critical about love; for in the face of all aridity and disenchantment it is as perennial as the grass.

Take kindly the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth.
Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with imaginings.
Many fears are born of fatigue and loneliness. Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.

You are a child of the universe, no less than the trees and the stars;
you have a right to be here.
And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be,
and whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life keep peace with your soul.
With all its sham, drudgery and broken dreams, it is still a beautiful world. Be careful. Strive to be happy.



Desiderata
salin sa tagalog ni Benilda Santos

Humayo nang payapa sa gitna ng ingay at pagkukumahog
at tandaang may katiwasayang masusumpungan sa katahimikan.
Hanggang kakayanin at nang hindi sumusuko,
pakitunguhan nang mabuti ang lahat.

Sambitin ang sariling katotohanan nang mahinahon at walang gatol
at pakinggan ang iba, kahit ang pulpol at mangmang.
Sila man ay may masasabi.

Iwasan ang hambog at mapusok; nakaliligalig sila ng loob.
Kung ihahambing ang sarili sa iba, baka maging palalo o puno ng hinampo
dahil laging may makahihigit o mababa sa iyo.

Masiyahin sa iyong tagumpay, maging sa iyong mga balak.
Pangalagaan ang iyong hanapbuhay gaano man kahamak;
iyay maaasahang pag-aari sa pabago-bagong kapalarang dala ng panahon.

Mag-ingat sa pakikipagnegosyo pagkat puno ng bulaan ang mundo.
Ngunit huwag naming magbulag-bulagan sa kabutihan.
Marami ang nagsisikap maabot ang kadakilaan,
at saan mang dakoy may kabayanihan.

Magpakatotoo sa sarili. Higit sa lahat, huwag magpanggap sa pagmamahal.
Subalit huwag ding kutyain ang pag-ibig
pagkat sa harap ng lahat ng kawalan ng sigla at pag-asa
lagi itong tumutubong muli tulad ng damo.

Tanggapin nang mahinahon ang payo ng taon,
at isuko nang magiliw ang mga biyaya ng kabataan.
Patatagin ang espiritu bilang pansanggalang sa di-inaasahang kasawian.
Ngunit huwag magpakaligalig sa mga nakababahalang alalalahanin.
Maraming pangamba ang dulot ng pagod at pangungulila.
Bukod sa pagkakaroon ng sapat na disiplina, maging malumanay sa sarili.

Supling ka ng uniberso, gaya ng mga punot tala
karapatan mong dumito.
At malinaw man ito o hindi sa iyo
walang alinlangan, sadyang namumukadkad ang uniberso.

Kaya maging payapa sa Panginoon
paano man ang pagkilala mo sa Kanya
at anuman ang iyong pagsisikap at pangarap;
sa maingay na kaguluhan ng buhay
panatilihing panatag ang iyong loob.

Sa kabila ng pagkukunwari, kawalang-kawawaan, at bigong pangarap,
Maganda pa rin itong mundo.
Maging masayahin. Sikaping lumigaya.