Showing posts with label makatang pilipino. Show all posts
Showing posts with label makatang pilipino. Show all posts

For Filipino Writers: How To Get Published in Liwayway Magazine

Who doesn’t want to be published in Liwayway Magazine? It will surely a great honor for any Filipino writer as Liwayway is considered as the oldest magazine in the Philippines. Since its first issue in 1922, it has published great stories from the best writers in the country such as Elena Patron, Lualhati Bautista, and Gilda Olvidado.

 

According to Liwayway’s official Facebook page, here are their editorial policies:

 

Bukas ang LIWAYWAY sa sinumang may-akda (manunulat, visual artist, potograpo) na nagnanais magpadala ng kanilang mga akdang pampanitikan o pamperyodismo. 

 

Tiyakin lamang na nasusunod ang mga tuntunin sa bawat kategoriya at ipadala sa bagongliwayway@gmail.com ang mga akda bilang attachment na Microsoft Word file (na may .docx na format). 

 

Maaari rin itong i-message sa kanilang opisyal naFacebook page.

 

Gumamit ng istandard na font gaya ng Arial o Times New Roman, font size na 11, sa letter-size (8.5” x 11”) o A4 na papel. Para sa mga akdang prosa, gumamit ng double-space sa pagitan ng mga linya samantalang single-space naman para sa mga tula. 

 

Lakipan ang inyong ipapasang akda ng isang maikling biographical note (di lalagpas sa 3 pangungusap) at profile picture (sa format na JPEG o PNG, bilang attachment) sa mismong katawan ng e-mail.

 

KATEGORYANG PAMPANITIKAN

 

NOBELA: May 10-15 kabanata. Bawat kabanata ay nasa 8-12 pahina.

MAIKLING KUWENTO: May 8-12 pahina.

MAIKLING KUWENTONG PAMBATA: 3-7 pahina. Di kinakailangang may kasamang guhit.

TULA: Isang koleksyong may 3-5 tula. O isang mahabang tula.

Para sa pitak BAGONG MANUNULAT, kailangang di pa nalalathala sa mga nagdaang isyu ng magasin ang anumang akda sa kahit anong genre. 

 

KATEGORYANG PAMPERYODISMO

400 hanggang 800 letra lamang. Maaaring lakipan ng mga retrato o guhit na dapat ay may kasamang caption (Ilagay ang pangalan ng retratista o potograpo kung hindi ang may-akda ang mismong kumuha ng mga retrato/guhit). Maaaring pumasok ang lathalain sa mga sumusunod na tema o paksa: Isyung Pampanitikan, Wika, Kulturang Popular, Kulturang Tradisyonal, Kasaysayan o Antropolohiya, Personalidad, Napapanahong Isyung Panlipunan, Panayam. 

 

KATEGORYANG BISWAL

PHOTO-ESSAY: Bumubuo ng 8-16 na retratong digital na orihinal sa nagpasa. Kailangang may high resolution o minimum na 300 dots per inch (dpi) kada retrato. May taglay na kuwento o tema ang buong photo-essay. Kailangang kalakip bilang attachment ang mga retrato sa e-mail.*

 

* Hindi tatanggap ang mga editor ng higit pa sa 25 megabytes na laki ang isang retrato. Kung higit sa 25 megabyte ang kabuuang laki ng pinagsama-samang attachment, ipadala na lamang sa e-mail address ng LIWAYWAY ang link sa Google Drive folder na nagtataglay ng mga retrato. Siguraduhin lang pong bigyan kami ng permiso upang i-access ang ginawa ninyong online folder.

 

KOMIKS O PANITIKANG GRAPIKO (Graphic Literature): 

 

Para sa komiks na wakasan (isang episode) o serial (may katuloy), may 12-15 kuwadro (frame) bawat kabanata para sa bawat isyu. Kailangang may high resolution o minimum na 300 dots per inch (dpi) kada scanned image. 

 

PABATID-MADLA (PRESS RELEASE)

Tumatanggap din ang magasin ng mga pabatid-madla (press release) na may kinalaman sa mga gawain at kaganapang pampanitikan, pansining at kultura, mga mahahalagang kaganapang pang-akademiko, industriyang panlibro o imprenta. Tandaan lamang na nasa pasya ng mga editor kung tatanggapin ito para ilathala, maging ang pagpapaikli sa pabatid base sa espasyo at haba nito. 

 

PAGLALATHALA NG KONTRIBUSYONG AKDA

Lahat ng matatanggap na kontribusyong akda ay mailalathala sa dalawang plataporma : (1) sa digital na edisyon (mababasa sa mga app at website ng Magzter at PressReader) at (2) sa opisyal na website ng magasin (http://liwayway.ph). May mga pagkakataong may mga akda, artikulo o kolum na ‘abridged’ o pinaiksi sa digital na edisyon ngunit mababasa nang buo sa website. Inaanyayahan namin ang lahat na bumisita sa nabanggit na website para sa iba pang extra content na di makikita sa digital na edisyon. Maituturing na iisang artikulo o akda ang nasa digital na edisyon at ang nasa website.

 

Bibigyan ng paunang-batid ang mga malalathalang may-akda ng alinman sa mga editor bago lumabas ang mga digital na edisyon ng magasin. Ganoon pa man, hindi masasagot ng kahit sino sa mga editor ang anumang tanong na may kinalaman sa mga akdang ‘unsolicited’ (di hiningi ng mismong mga editor sa may-akda). Hindi rin obligadong ipaliwanag ng mga editor kung bakit di mailalathala ng LIWAYWAY ang alinmang akdang unsolicited.

 

BAYAD SA NAILATHALANG AKDA

 

Nagbabayad ang LIWAYWAY ng modest na contributor’s fee para sa mga nailathalang akda, na idinideposito sa savings account ng may-akda sa Landbank of the Philippines (LBP) o Philtrust Savings Bank. Sakaling mailathala sa unang pagkakataon, agad pakipadala sa bagongliwayway@gmail.com ang inyong kompletong account name, savings/checking account number sa alinmang bangkong nabanggit. Polisiya ng Manila Bulletin Publishing Corporation na hindi mag-isyu ng papel na tseke o mag-deposito sa savings account sa ibang bangko maliban sa mga nabanggit.

 

Kung wala pa kayong savings account sa mga nasabing bangko, mangyaring magbukas kayo bago matapos ang buwan ng pagkakalathala ng inyong akda. Ang paghahanda ng payroll ay buwanan. Ang nailathalang akda sa kasalukuyang buwan, sa susunod na buwan na ninyo makukuha ang kabayaran. Maghintay ng 1-2 buwan matapos mailathala ang inyong akda.

Magmula Giliw, Nang Ikaw ay Pumanaw by Gregoria de Jesus

                               Magmula Giliw, Nang Ikaw ay Pumanaw
                                  by Gregoria de Jesus


Magmula, giliw, nang ikaw ay pumanaw, 

Katawan at puso ko'y walang paglagyan;

Lakad ng dugo sa ugat ay madalang, 

Lalo't magunita ang iyong palayaw.



Lubhang malabis ang aking pagdaramdam

Sa biglang paggayak mo't ako'y panawan, 

Alaala ko sa 'yong pagdaraanan, 

At gayundin naman sa iyong katawan.

 

Na baka sakaling ikaw ay kapusin, 

Lumipas sa iyo oras ng pagkain;

Sakit na mabigat baka ka sumpungin

Na lagi mo na lamang sa aki'y daing.

 

Saan patutungo yaring kalagayan, 

Dalamhating lubos liit ng katawan, 

Magsaya't kumain hindi mapalagay, 

Maupo't tumindig, alaala'y ikaw.

 

Kalakip ang wikang "magtiis, katawan, 

Di pa nalulubos sa iyo ang layaw, 

Bagong lalaganap ang kaginhawaan

Ay biglang nag-isip na ikaw ay iwan."

 

At kung gumabi na, banig ay ihiga, 

Matang nag-aantok pipikit na bigla, 

Sa pagkahimbing panaginip ka, sinta

Sabay balong nang di mapigil na luha.

 

Sa pagkaumaga, marahang titindig, 

Tutop ng kamay yaring pusong masakit, 

Tuloy na dungawan, kasabay ang silip, 

Sa paroonan mong hirap ay mahigpit.

 

Matapos sumilip, pagdaka'y lalabas, 

Sa dulang kakanan at agad haharap;

Ang iyong luklukan kung aking mamalas, 

Dibdib ko'y puputok, paghinga'y banayad.

 

Sama ng loob ko'y sa aking mag-isa, 

Di maipahayag sa mga kasama;

Puso ko ay lubos na pinagdurusa, 

Tamis na bilin mo'y "magtiis ka, sinta."

 

Sa akin ay mahigpit mong tagubilin, 

Saya'y hanapin at ang puso'y aliwin;

Naganap sumandali'y biglang titigil, 

Alaala ka kung ano ang narating.

 

Mukha'y itutungo, luha'y papatak, 

Katawan pipihit, lakad ay banayad;

Pagpasok sa silid, marahang gagayak

Barong gagamitin sa aking paglakad.

 

Lilimutin mo yaring kahabag-habag, 

Puhunang buhay, tatawirin ang dagat;

Pag-alis ay sakit, paroon sa hirap, 

Masayang palad mo sa huli ang sikat.

 

Ako ay lalakad, usok ang katulad;

Pagtaas ng puti, agiw ang kapalad;

Ang bilin ko lamang, tandaan mo, liyag, 

Kalihiman natin, huwag ihahayag.

 

Tangi ka sa puso, giliw, ikaw lamang, 

Paalam sa iyo, masarap magmahal, 

May-ari ng puso't kabyak ng katawan, 

Paalam, giliw ko, sa iyo'y paalam.

 

Masayang sa iyo'y aking isasangla

Ang sutlang pamahid sa mata ng luha, 

Kung kapusing palad, buhay ma'y mawala, 

Bangkay man ako'y haharap sa 'yong kusa.

 


 


Payo Sa Bumabasa ng Tula ni: Rolando S. Tinio

Payo Sa Bumabasa ng Tula
ni: Rolando S. Tinio


Hindi nalalayo
sa pagpangos ng mangga
Ang pagbasa ng tula.

Amuyin, sapulin sa kamay.
Ipalasap sa palad
Ang init at kinis ng balat,
Saka hubarin ang dilaw na katad
Na minsan may itim na pakas,
Parang matang ibig mangusap.

Huwag na huwag ngangatain.
Tubo at mangga’y magkaibang sining.

Tandaang laman ay parang laman,
Humihingi ng ingat, pagmamahal.
Turuan ang ngiping dumagan
Nang hindi mag-iiwan ng sugat.
Unti-untiin ang pagsisiwalat

Sa buto...

Na namimintog, lumalapad
Kutsilyong walang talas
Pinatuyong sinag ng araw,
Usok-at-ulang nagsabato,
Garing na di pa nakakatam,
Siksik na taguan ng yabong,
Lilim, a tatal.

Huwag mithiin ang asetikong buto,
Ang putting ermitanyo,
Bago mapagdaanan ang mga ehersisyong karnal.

Bayaang maganap
Tamis, pait, saklap
Sa isang panlasang wagas.

Huwag kainipan ang labo
Ng pisnging humuhulas.

Pagkatapos na makipagtapatan
Sa mga istasyon ng pagkalaman
Kusang liliwanag
ang sagradong buto
Na simbigat ng katotohanan
Singgaan ng pangarap at kalawakan!





 

Kung ang Tula ay Wala (pasintabi sa makata ng Obando) ni Albert Alejo, S.J.

  Kung ang Tula ay Wala
(pasintabi sa makata ng Obando)
ni  Albert Alejo, S.J.

Kung ang tula ay wala 
kundi kangkong sa sikmura
lalo pa nga kung inumit
sa munting tindahan
ng kapwa nagpapawis,
di hamak ko pang
nanaising makinig
sa dalawampu’t isang
taludtod ng kampana
na binibigkas
sa katanghalian,
o  kaya nama’y tumitig
sa andap ng kandila
na bumabasbas
sa oras ng hapunan,
pagka’t ako’y bumubuay
at ang loob ko’y pagod na
pagod na pagod na.
Nasilaw na ako sa kinang
ng mga langit na de-lata
at nalason lamang
sa pagsubo’t pagdura ng bala.
Kaya’t para na ninyong awa
mga makatang kapwa ko rin dukha,
huwag kayong manukso
at huwag ding magpatukso
kahit pa nga ba ang tula
ay maging letson sa bunganga.


 

More Poems in Phil Literature

Death
By: Herminio M. Beltran

We are
Leaves on Life’s tree—
And death is the wind that shakes
The branches gently till its leaves
All fall.

Shadows
Gerson M. Mallillin

1
They are like strangers on the ground,

These shadows shy;

Walk upon them, strike them,
They never cry.

2
And yet within me something says

They are the hosts,

And we but strangers in a place

Whose kings are ghosts.

A Distinction
By: Gerson M. Mallillin

1
When only the brain has poetry

nothing else has;

the heart is numb with emptiness,
the eyes might as well be shrouded,
the lips yawn with the ghost of words
buried before they can become speech,
the hands are active crosses.

2
But when the heart has poetry everything else has;

the brain is renewed

and stirred to surpass itself,

the blood becomes a flood

of meanings and images

eyes, lips, and hands

can never

perfectly tell.

The Insane
By: Ernesto O. Manalo

When in a quandary of my mind
I sense so many blocks along the road,

Others, I say, are much more fortunate,
Certainly more blessed. But uncowed,

I do not give in to such hate.
Because the mind is all undone…

In countries unpossessed by mind,
The heart is moving tenderly.


More blessed yet are those who see

Without their minds but with their hearts alone.

Loss
By: Antonio Samson

There is some sadness
In hearing conversation stop
Or finding out a loss of friends.

The feeling hollows out
Your soul

And leaves you by yourself
Staring at details
Like frogs and snails

And what to do

The sadness grows and grows

Like a tree without leaves.

Selected Poems from Nick Joaquin

Here are selected poems from my favorite author and National Artist, Nick Joaquin: 
 

The Martyr 

 

 Being in love means never having to say you’re sorry
After all, at some point in your life
That love was the most important thing to you,
That love might be the one that you hoped would last forever,
That love made you believe that destiny does exist,
And that love made you question,
Why you were afraid to fall in love in the first place.
At that time in your life,
Everything just seemed so perfect,
Everything seemed so beautiful,
Everything seemed to glow for you,
And you were my everything.
I wouldn't even think twice about sacrificing
my own happiness for yours,
I was even willing to bare up this walled but crumpled heart of mine,
Just so I could be with you.
All I ever did was care for you.
All I ever did was to make you happy.
And all I ever did was love you.
Being in love means never having to say you’re sorry
But I needed to ask forgiveness from the one who was hurt the most… Myself.

 

Happy Never After 

 

How could I possibly stay awake
Despite knowing what horrors await me In this life full of lies and despair
Where the only hope that remains Is having you near me.

And yet,
However I push myself towards you,
The more I feel like we’re never meant to be,
The more we try to reach each other,
The more I feel so alone.
How could I possibly live my happily ever after
Without you by my side


Where even the fairy tales pale in comparison
for how much I feel for you
When will He finish this chapter?
Does it even end
Surely, any end is better than a one left hanging
For a simple No, might simply be the best answer
Rather than to face the agony of waiting
and fear of the unknown.


Strangers at First Sight 

 

How could you possibly start from nothing?
And then end up as everything?
I never thought I’d feel this way again…
More like I pushed myself to never fall victim again
To this arresting feeling
How ironic is it, That what I wanted to lose the most,
Is what most people long for their whole life
I don’t know what to do,
Guess I’ll just ignore everything again,
Time to shut my senses to all the assaults that the world has to offer…
After all, I’ve suppressed everything so far
What’s one more to add?