Read this E-book for Free or Buy for only USD1.99

Read this E-book for Free or Buy for only USD1.99
Read this E-book for Free or Buy for only USD1.99! Three thought-provoking, creepy stories to blow your mind!

For Filipino Writers: How To Get Published in Liwayway Magazine

Who doesn’t want to be published in Liwayway Magazine? It will surely a great honor for any Filipino writer as Liwayway is considered as the oldest magazine in the Philippines. Since its first issue in 1922, it has published great stories from the best writers in the country such as Elena Patron, Lualhati Bautista, and Gilda Olvidado.

 

According to Liwayway’s official Facebook page, here are their editorial policies:

 

Bukas ang LIWAYWAY sa sinumang may-akda (manunulat, visual artist, potograpo) na nagnanais magpadala ng kanilang mga akdang pampanitikan o pamperyodismo. 

 

Tiyakin lamang na nasusunod ang mga tuntunin sa bawat kategoriya at ipadala sa bagongliwayway@gmail.com ang mga akda bilang attachment na Microsoft Word file (na may .docx na format). 

 

Maaari rin itong i-message sa kanilang opisyal naFacebook page.

 

Gumamit ng istandard na font gaya ng Arial o Times New Roman, font size na 11, sa letter-size (8.5” x 11”) o A4 na papel. Para sa mga akdang prosa, gumamit ng double-space sa pagitan ng mga linya samantalang single-space naman para sa mga tula. 

 

Lakipan ang inyong ipapasang akda ng isang maikling biographical note (di lalagpas sa 3 pangungusap) at profile picture (sa format na JPEG o PNG, bilang attachment) sa mismong katawan ng e-mail.

 

KATEGORYANG PAMPANITIKAN

 

NOBELA: May 10-15 kabanata. Bawat kabanata ay nasa 8-12 pahina.

MAIKLING KUWENTO: May 8-12 pahina.

MAIKLING KUWENTONG PAMBATA: 3-7 pahina. Di kinakailangang may kasamang guhit.

TULA: Isang koleksyong may 3-5 tula. O isang mahabang tula.

Para sa pitak BAGONG MANUNULAT, kailangang di pa nalalathala sa mga nagdaang isyu ng magasin ang anumang akda sa kahit anong genre. 

 

KATEGORYANG PAMPERYODISMO

400 hanggang 800 letra lamang. Maaaring lakipan ng mga retrato o guhit na dapat ay may kasamang caption (Ilagay ang pangalan ng retratista o potograpo kung hindi ang may-akda ang mismong kumuha ng mga retrato/guhit). Maaaring pumasok ang lathalain sa mga sumusunod na tema o paksa: Isyung Pampanitikan, Wika, Kulturang Popular, Kulturang Tradisyonal, Kasaysayan o Antropolohiya, Personalidad, Napapanahong Isyung Panlipunan, Panayam. 

 

KATEGORYANG BISWAL

PHOTO-ESSAY: Bumubuo ng 8-16 na retratong digital na orihinal sa nagpasa. Kailangang may high resolution o minimum na 300 dots per inch (dpi) kada retrato. May taglay na kuwento o tema ang buong photo-essay. Kailangang kalakip bilang attachment ang mga retrato sa e-mail.*

 

* Hindi tatanggap ang mga editor ng higit pa sa 25 megabytes na laki ang isang retrato. Kung higit sa 25 megabyte ang kabuuang laki ng pinagsama-samang attachment, ipadala na lamang sa e-mail address ng LIWAYWAY ang link sa Google Drive folder na nagtataglay ng mga retrato. Siguraduhin lang pong bigyan kami ng permiso upang i-access ang ginawa ninyong online folder.

 

KOMIKS O PANITIKANG GRAPIKO (Graphic Literature): 

 

Para sa komiks na wakasan (isang episode) o serial (may katuloy), may 12-15 kuwadro (frame) bawat kabanata para sa bawat isyu. Kailangang may high resolution o minimum na 300 dots per inch (dpi) kada scanned image. 

 

PABATID-MADLA (PRESS RELEASE)

Tumatanggap din ang magasin ng mga pabatid-madla (press release) na may kinalaman sa mga gawain at kaganapang pampanitikan, pansining at kultura, mga mahahalagang kaganapang pang-akademiko, industriyang panlibro o imprenta. Tandaan lamang na nasa pasya ng mga editor kung tatanggapin ito para ilathala, maging ang pagpapaikli sa pabatid base sa espasyo at haba nito. 

 

PAGLALATHALA NG KONTRIBUSYONG AKDA

Lahat ng matatanggap na kontribusyong akda ay mailalathala sa dalawang plataporma : (1) sa digital na edisyon (mababasa sa mga app at website ng Magzter at PressReader) at (2) sa opisyal na website ng magasin (http://liwayway.ph). May mga pagkakataong may mga akda, artikulo o kolum na ‘abridged’ o pinaiksi sa digital na edisyon ngunit mababasa nang buo sa website. Inaanyayahan namin ang lahat na bumisita sa nabanggit na website para sa iba pang extra content na di makikita sa digital na edisyon. Maituturing na iisang artikulo o akda ang nasa digital na edisyon at ang nasa website.

 

Bibigyan ng paunang-batid ang mga malalathalang may-akda ng alinman sa mga editor bago lumabas ang mga digital na edisyon ng magasin. Ganoon pa man, hindi masasagot ng kahit sino sa mga editor ang anumang tanong na may kinalaman sa mga akdang ‘unsolicited’ (di hiningi ng mismong mga editor sa may-akda). Hindi rin obligadong ipaliwanag ng mga editor kung bakit di mailalathala ng LIWAYWAY ang alinmang akdang unsolicited.

 

BAYAD SA NAILATHALANG AKDA

 

Nagbabayad ang LIWAYWAY ng modest na contributor’s fee para sa mga nailathalang akda, na idinideposito sa savings account ng may-akda sa Landbank of the Philippines (LBP) o Philtrust Savings Bank. Sakaling mailathala sa unang pagkakataon, agad pakipadala sa bagongliwayway@gmail.com ang inyong kompletong account name, savings/checking account number sa alinmang bangkong nabanggit. Polisiya ng Manila Bulletin Publishing Corporation na hindi mag-isyu ng papel na tseke o mag-deposito sa savings account sa ibang bangko maliban sa mga nabanggit.

 

Kung wala pa kayong savings account sa mga nasabing bangko, mangyaring magbukas kayo bago matapos ang buwan ng pagkakalathala ng inyong akda. Ang paghahanda ng payroll ay buwanan. Ang nailathalang akda sa kasalukuyang buwan, sa susunod na buwan na ninyo makukuha ang kabayaran. Maghintay ng 1-2 buwan matapos mailathala ang inyong akda.

No comments:

Post a Comment