Ang
Kanyang Mga Mata
By:
Clodualdo del Mundo
Dalawang bituing
kumikislap-kislap
sa gitna
ng dilim. . .
Tambal ng aliw
na sasayaw-sayaw
sa tuwing ako’y
naninimdim. . .
Bukang-liwayway
ng isang pagsintang
walang maliw!
Takipsilim
ng isang pusong
di magtataksil!
Dahil Sa Pag-ibig
by Iñigo Ed. Regalado.
by Iñigo Ed. Regalado.
KAHAPON...
Sa tingin ko’y tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang mallit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot mo’y lason.
NGAYON...
Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawa’t makita,
pati ng libingang malayo’t ulila
wari’y halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akala’y tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo’y
nagwagi ang layon.
BUKAS...
Sino baga kaya ang makatatatap
ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
na inaamihan at hinahabagat;
itong Daigdigan ay isang palanas
na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asa’y
mahirap mataya...
Sa tingin ko’y tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang mallit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot mo’y lason.
NGAYON...
Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawa’t makita,
pati ng libingang malayo’t ulila
wari’y halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akala’y tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo’y
nagwagi ang layon.
BUKAS...
Sino baga kaya ang makatatatap
ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
na inaamihan at hinahabagat;
itong Daigdigan ay isang palanas
na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asa’y
mahirap mataya...
Kahit Saan
by
José Corazón de Jesús
Kung sa mga daang nilalakaran mo,
may puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya’y ako!
Kung may isang ibong tuwing takipsilim,
nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw
at ika’y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!
Kung tumingala ka sa gabing payapa
at sa langit nama’y may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana
ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya’y ako, Mutya!
Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga,
isang paruparo ang iyong nakita
na sa masetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iya’y ako, Sinta!
Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan
ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw,
kundi mo mapahid sa panghihinayang
at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao’y ako, Hirang!
Ngunit kung ibig mong makita pa ako,
akong totohanang nagmahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . .
magkikita tayo!
Kung sa mga daang nilalakaran mo,
may puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya’y ako!
Kung may isang ibong tuwing takipsilim,
nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw
at ika’y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!
Kung tumingala ka sa gabing payapa
at sa langit nama’y may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana
ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya’y ako, Mutya!
Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga,
isang paruparo ang iyong nakita
na sa masetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iya’y ako, Sinta!
Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan
ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw,
kundi mo mapahid sa panghihinayang
at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao’y ako, Hirang!
Ngunit kung ibig mong makita pa ako,
akong totohanang nagmahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . .
magkikita tayo!
No comments:
Post a Comment