Read this E-book for Free or Buy for only USD1.99

Read this E-book for Free or Buy for only USD1.99
Read this E-book for Free or Buy for only USD1.99! Three thought-provoking, creepy stories to blow your mind!

W.H. Auden Poem "Funeral Blues" Translated in Tagalog by Jose F. Lacaba

 Dalit 
Halaw kay W. H. Auden
Salin ni Jose F. Lacaba


Patigilin sa pagikot and relo

pagpuputulin na ang linya ng telepono
Patahimikin na ang mga piyano, at ang kabaong
ay ilabas sa kalye, simulan ang prusisyon.


Patugtugin ang punumbre, at sa pagbuntunghininga
Ay iparinig sa bayan ang balitang Patay na siya.
Bihisan ng luksa ang mga nagtatrapik na pulis
lagyan ng lasong itim ang mga traysikel at dyip.



Siya ang aking hilaga, timog, kanluran, at silangan,
ang aking takipsilim at bukang-liwayway,
Ang aking piyesta opisyal at araw ng trabaho,

Akala ko’y habang buhay ang pag-ibig: Mali ako.


Bawian na ng sindi ang mga tala at bituin,
ibalot na ang buwan, at ang araw ay baklasin,
walisin na ang gubat, at ang dagat ay itapon;

Pagkat wala ng silbi ang lahat mula ngayon.



Below is the original poem.


Funeral Blues
by W. H. Auden



Stop all the clocks, cut off the telephone,
Prevent the dog from barking with a juicy bone,
Silence the pianos and with muffled drum
Bring out the coffin, let the mourners come.

Let aeroplanes circle moaning overhead
Scribbling on the sky the message 'He is Dead'.
Put crepe bows round the white necks of the public doves,
Let the traffic policemen wear black cotton gloves.

He was my North, my South, my East and West,
My working week and my Sunday rest,
My noon, my midnight, my talk, my song;

I thought that love would last forever: I was wrong.

The stars are not wanted now; put out every one,
Pack up the moon and dismantle the sun,
Pour away the ocean and sweep up the wood;

For nothing now can ever come to any good. 

Image result for sadness


Selected Tagalog Poems in Philippine Literature


ALAALA 
ni Maria Luisa F. Torres

Bakit ganoon ang alaala?
Sala sa init, sala sa lamig. May gusto kang tandaan, 
lumilipad, parang ibon. 


May ibig kang kalimutan, 
kapit-tuko, nakapagkit.

Parang makahiya, 
pag nakanti, namamaluktot. 
Parang karayom at sinulid 
na nagkabuhol-buhol.
O kaya’y tipaklong 
na tatalon-talon. 
Parang kukong ikinakaskas
sa salamin 
nakakangilo, nakakahilo 
Malambot na unan 

sa himbingan, 
nasis mong hagkan-hagkan. 

Bakit ganoon ang alaala? 
May patay na binubuhay, 
buhay na pinapatay. 



AWIT NG ISANG KABALYERO 
ni: Reuel M. Aguila 


Huwag kang tumangis 
sa panahon ng taglagas 
Kung ang mga daho’y 
humahalik sa talampakan 


Ilang panahon lang 
ako’y muling mamumukadkad 
ng mga pulang bulaklak

Tatangayin ng hangin
ang aking mga binhi
sa mga pulo-pulo 
Upang doo’y 
may tumubo ring
mga puno ng kabalyero 


At darating na naman 

ang taglagas ang pamumulaklak 
At tatangaying muli ng hangin
ang mga binhi 
hanggang sa buong kapuluan 


HAYOK 

ni Fatima V. Lim 


Kay lapot ng gabi. 


buwan ay nahating itlog, 

palutang-lutang sa ulapang lugaw.

natutunaw ang mga bituin 
asing ikinalat sinisipsip ng dilim. 


pulutang adhika, 

patikim, 
aking luha'y’ walang lasa. 


Bukas, 

magigising na ako ng mahimbing
busog sa bangungot. 


OYAYI

ni: Rio Alma 


Meme na, bunsong sinta,

Ang ina mo e ‘ala pa.
Sumaglit ke Kabesa 
At hihiram lang ng pera 


Meme na, bunsong sinta, 

Ang ina mo e ‘ala pa. 
Di masundo ni Ama
At kabayo ng malarya


Meme na, bunsong sinta, 

Ang ina mo e ‘ala pa 
Naglit lang ke Kabesa
Inabot na ng K’waresma


Meme na, bunsong sinta, 

Ang ina mo e ‘ala pa. 
Sinundo na ni Ama
Kahit habol ang paghinga 


Meme na, bunsong sinta, 

Ang ina mo e ‘ala pa. 
Nang abutan ni Ama, 
Nalilisan na ng saya.