Showing posts with label famous poems. Show all posts
Showing posts with label famous poems. Show all posts

Magmula Giliw, Nang Ikaw ay Pumanaw by Gregoria de Jesus

                               Magmula Giliw, Nang Ikaw ay Pumanaw
                                  by Gregoria de Jesus


Magmula, giliw, nang ikaw ay pumanaw, 

Katawan at puso ko'y walang paglagyan;

Lakad ng dugo sa ugat ay madalang, 

Lalo't magunita ang iyong palayaw.



Lubhang malabis ang aking pagdaramdam

Sa biglang paggayak mo't ako'y panawan, 

Alaala ko sa 'yong pagdaraanan, 

At gayundin naman sa iyong katawan.

 

Na baka sakaling ikaw ay kapusin, 

Lumipas sa iyo oras ng pagkain;

Sakit na mabigat baka ka sumpungin

Na lagi mo na lamang sa aki'y daing.

 

Saan patutungo yaring kalagayan, 

Dalamhating lubos liit ng katawan, 

Magsaya't kumain hindi mapalagay, 

Maupo't tumindig, alaala'y ikaw.

 

Kalakip ang wikang "magtiis, katawan, 

Di pa nalulubos sa iyo ang layaw, 

Bagong lalaganap ang kaginhawaan

Ay biglang nag-isip na ikaw ay iwan."

 

At kung gumabi na, banig ay ihiga, 

Matang nag-aantok pipikit na bigla, 

Sa pagkahimbing panaginip ka, sinta

Sabay balong nang di mapigil na luha.

 

Sa pagkaumaga, marahang titindig, 

Tutop ng kamay yaring pusong masakit, 

Tuloy na dungawan, kasabay ang silip, 

Sa paroonan mong hirap ay mahigpit.

 

Matapos sumilip, pagdaka'y lalabas, 

Sa dulang kakanan at agad haharap;

Ang iyong luklukan kung aking mamalas, 

Dibdib ko'y puputok, paghinga'y banayad.

 

Sama ng loob ko'y sa aking mag-isa, 

Di maipahayag sa mga kasama;

Puso ko ay lubos na pinagdurusa, 

Tamis na bilin mo'y "magtiis ka, sinta."

 

Sa akin ay mahigpit mong tagubilin, 

Saya'y hanapin at ang puso'y aliwin;

Naganap sumandali'y biglang titigil, 

Alaala ka kung ano ang narating.

 

Mukha'y itutungo, luha'y papatak, 

Katawan pipihit, lakad ay banayad;

Pagpasok sa silid, marahang gagayak

Barong gagamitin sa aking paglakad.

 

Lilimutin mo yaring kahabag-habag, 

Puhunang buhay, tatawirin ang dagat;

Pag-alis ay sakit, paroon sa hirap, 

Masayang palad mo sa huli ang sikat.

 

Ako ay lalakad, usok ang katulad;

Pagtaas ng puti, agiw ang kapalad;

Ang bilin ko lamang, tandaan mo, liyag, 

Kalihiman natin, huwag ihahayag.

 

Tangi ka sa puso, giliw, ikaw lamang, 

Paalam sa iyo, masarap magmahal, 

May-ari ng puso't kabyak ng katawan, 

Paalam, giliw ko, sa iyo'y paalam.

 

Masayang sa iyo'y aking isasangla

Ang sutlang pamahid sa mata ng luha, 

Kung kapusing palad, buhay ma'y mawala, 

Bangkay man ako'y haharap sa 'yong kusa.

 


 


Kung ang Tula ay Wala (pasintabi sa makata ng Obando) ni Albert Alejo, S.J.

  Kung ang Tula ay Wala
(pasintabi sa makata ng Obando)
ni  Albert Alejo, S.J.

Kung ang tula ay wala 
kundi kangkong sa sikmura
lalo pa nga kung inumit
sa munting tindahan
ng kapwa nagpapawis,
di hamak ko pang
nanaising makinig
sa dalawampu’t isang
taludtod ng kampana
na binibigkas
sa katanghalian,
o  kaya nama’y tumitig
sa andap ng kandila
na bumabasbas
sa oras ng hapunan,
pagka’t ako’y bumubuay
at ang loob ko’y pagod na
pagod na pagod na.
Nasilaw na ako sa kinang
ng mga langit na de-lata
at nalason lamang
sa pagsubo’t pagdura ng bala.
Kaya’t para na ninyong awa
mga makatang kapwa ko rin dukha,
huwag kayong manukso
at huwag ding magpatukso
kahit pa nga ba ang tula
ay maging letson sa bunganga.


 

W.H. Auden Poem "Funeral Blues" Translated in Tagalog by Jose F. Lacaba

 Dalit 
Halaw kay W. H. Auden
Salin ni Jose F. Lacaba


Patigilin sa pagikot and relo

pagpuputulin na ang linya ng telepono
Patahimikin na ang mga piyano, at ang kabaong
ay ilabas sa kalye, simulan ang prusisyon.


Patugtugin ang punumbre, at sa pagbuntunghininga
Ay iparinig sa bayan ang balitang Patay na siya.
Bihisan ng luksa ang mga nagtatrapik na pulis
lagyan ng lasong itim ang mga traysikel at dyip.



Siya ang aking hilaga, timog, kanluran, at silangan,
ang aking takipsilim at bukang-liwayway,
Ang aking piyesta opisyal at araw ng trabaho,

Akala ko’y habang buhay ang pag-ibig: Mali ako.


Bawian na ng sindi ang mga tala at bituin,
ibalot na ang buwan, at ang araw ay baklasin,
walisin na ang gubat, at ang dagat ay itapon;

Pagkat wala ng silbi ang lahat mula ngayon.



Below is the original poem.


Funeral Blues
by W. H. Auden



Stop all the clocks, cut off the telephone,
Prevent the dog from barking with a juicy bone,
Silence the pianos and with muffled drum
Bring out the coffin, let the mourners come.

Let aeroplanes circle moaning overhead
Scribbling on the sky the message 'He is Dead'.
Put crepe bows round the white necks of the public doves,
Let the traffic policemen wear black cotton gloves.

He was my North, my South, my East and West,
My working week and my Sunday rest,
My noon, my midnight, my talk, my song;

I thought that love would last forever: I was wrong.

The stars are not wanted now; put out every one,
Pack up the moon and dismantle the sun,
Pour away the ocean and sweep up the wood;

For nothing now can ever come to any good. 

Image result for sadness


Edgar Allan Poe's A Dream Within a Dream.

A Dream Within a Dream
by  Edgar Allan Poe
I stand amid the roar
Of a surf-tormented shore,
And I hold within my hand
Grains of the golden sand-
How few! yet how they creep
Through my fingers to the deep,
While I weep- while I weep!
O God! can I not grasp
Them with a tighter clasp?
O God! can I not save
One from the pitiless wave?
Is all that we see or seem
But a dream within a dream?


The Rainbow Fish by Marcus Pfister

The Rainbow Fish By Marcus Pfister

Far out in the sea lived a fish. No ordinary fish however. He was the most beautiful fish in the entire ocean. His scales shimmered with all the colors of the rainbow.

The other fish admired his colourful scales and called him Rainbow Fish. “Come on, play with us, Rainbow Fish But Rainbow Fish was proud and swam past them.

A little blue fish swam along behind him. “Rainbow Fish,wait for me! Please give me one of your glittering scales. They are so beautiful and you have so many.”

“Give you one of my scales? What are you thinking of?” cried Rainbow Fish. “Get away from me!” Shocked, the little blue fish swam away.

Still excited, he told his friends about it.  From then on, nobody wanted anymore to do with Rainbow Fish. They turned away when he swam past them.

What use were Rainbow Fish’s beautiful scales if they were no longer admired by anyone? Now he was the loneliest fish in the entire ocean. One day he poured out his troubles to the starfish. “I’m so beautiful. Why doesn’t anyone like me?”

In a cave behind the coral reef lives the wise octopus. Perhaps he can help you,” the starfish advised him.
Rainbow Fish found the cave. It was very dark here. He could hardly see anything. Then suddenly he saw two glowing eyes.


“I have been expecting you,” said the octopus in a deep voice. “The waves have told me your story. Listen to my advice: give every fish one of your glittering scales. Then you may not be the most beautiful fish in the ocean, but you will be happy again..”

“But…” Rainbow Fish began to say, but the octopus had already disappeared into a dark cloud of ink. Give away my scales? My beautiful glittering scales,? thought Rainbow Fish.  “Never! No! How could I be happy without them?

Suddenly he felt the light touch of a fin. The little blue fish was back! “Rainbow Fish, please, don’t be angry.  Please give me one of your glittering scales, a small one” Rainbow Fish hesitated. A very very small scale, he thought. Why not? I will hardly miss it.

Rainbow Fish carefully pulled off the very smallest of his glittering scales. Here, I’ll give you this one. But now leave me in peace.

“Thank you! Thank you very much!” burbled the little blue fish excitedly. You are kind, Rainbow Fish. Rainbow Fish felt quite strange. He watched the little blue fish for a long time as he swam away happily through the water with his glittering scale, turning this way and that.

The little blue fish darted through the water with his glittering scale. Soon, Rainbow Fish was surrounded by other fish. All of them wanted to have a glittering scale. Rainbow Fish shared out his scales and he felt happier and happier as he did so. Finally Rainbow Fish had only one glittering scale left. He had given away all the others. And he was happy, happier than he had ever been.

“Come on Rainbow Fish, come and play with us!” called the others.
“I’m coming,” said Rainbow Fish and went happily with the other fish.



Footprints in the Sand: English & Tagalog Version


Footprints in the Sand

One night I had a dream.
I dreamed I was walking along the beach
with the Lord..

Across the sky flashed scenes from my life.
For each scene, I noticed two sets of
footprints in the sand,
one belonging to me, and the other to the Lord..

When the last scene of my life flashed before me,
I looked back at the footprints in the sand.
I noticed that many times along the path of my life
there was only one set of footprints.
I also noticed that it happened at the very lowest
and saddest times in my life.

This really bothered me
and I questioned the Lord about it:
"Lord, you said that once I decided to follow you,
you'd walk with me all the way.
But I have noticed that during the most
troublesome times in my life
there is only one set of footprints.
I don't understand why
when I need you most you would leave me."

The Lord replied:
"My precious child, I love you and would
never leave you.
During your times of trial and suffering,
when you see only one set of footprints, it was then
that I carried you."

Mga Yapak sa Buhangin

Isang gabi, nanaginip ang isang lalaki.
Napangarap niyang naglalakad siya sa may dalampasigan na kapiling ang Panginoon.

Lumitaw mula sa kalawakan ang mga kaganapan mula sa kanyang buhay.
Sa bawat kaganapan, nakapuna siya ng dalawang pangkat ng mga yapak sa buhangin;
sa kanya ang isang tambalan, at sa Panginoon ang isa pa.

Noong lumitaw sa harapan niya ang huling kaganapan ng kanyang buhay,
muli niyang tiningnan ang mga bakas ng mga paang nasa buhanginan.

Napansin niya na maraming ulit sa kahabaan ng daanan ng kanyang buhay na mayroon lamang isang pangkat ng mga yapak.
Napansin din niya na nangyari ito sa pinakamabababa at pinakamalulungkot na mga panahon sa kanyang buhay.

Talagang ikinabahala niya ito at tinanong niya ang Panginoon hinggil dito.
"Panginoon, sinabi mo na kapag nagpasya akong sumunod sa iyo, palagi kang maglalakad na kapiling ko.
Subalit napuna kong sa panahon ng pinakamasuliraning mga panahon sa aking buhay, mayroon lamang isang pangkat ng mga yapak sa buhangin.
Hindi ko maunawaan kung bakit iiwanan mo ako sa panahong kailangan kita."

Tumugon ang Panginoon, "Pinakamamahal kong anak, iniibig kita at hindi ko magagawang lisanin ka kailan man.

Sa panahon ng iyong mga pagsubok at paghihirap,
noong makita mo ang isang pangkat lamang ng mga bakas ng mga paa sa buhangin,
ito ang panahong pinapasan kita."