Precepts for Young and Old by Henry William Bidwell

 Precepts for Young and Old
by H. W. Bidwell

I’d like to speak a word to you, my pretty, careless child!
I’d learn the spell that daily lures you ’midst the blossoms wild,
I’d join you and the butterflies with which you sport and play,
As innocent, as beautiful, as fairy-like as they.
I’d like to scan the purity that halos your fair brow,
To fathom all the gentle thoughts that through your bosom flow—
But oh! the wish is doubly vain, ’tis not for heart like mine
To enter that pure heaven which forms the fairy land of thine. 


I’d like to speak a word with you, my timid blushing maid—
Pausing at every step you take as if you were afraid!
As if by instinct you foresaw the weeds of woe and strife,
That grow up in the pathway of your unseen future life.
Oh! happy, ten times happy, were you could you shun the wild
And rugged waste; and turning back for ever, be a child.
You cannot! then I’d say to you, retain as best you may
The pure and holy freshness of your childhood’s cloudless day!

 

I’d like to speak a word with you, my bold and wayward youth!
I’d counsel you to cherish in your heart the love of truth;’


I’d caution you ’gainst wantonness and arrogance and pride,
And bid you fear your passions more than all the world beside.
I’d have you honour age whose precepts now you hear with scorn,
Remember! we were men, my boy, long, long ere you were born,
Have trodden long ago the path which you have yet to tread,
And now bequeath experience which may serve you when we’re dead.

I’d like to speak a word with you, brave sir, in manhood’s prime!
The world seems now your heritage, and ’tis so—for a time.
Aspire! for ’tis your birthright, but remember while you mount
You’re but a steward and some day must yield up your account.
You’re wealthy!—turn not from the poor! they share your right to live,
Or God would not have made them:—as you’ve received, so give;
Nor like the unjust creditor, seize all man’s laws allow,
You will need mercy at the last, see that you mete it now!

I’d speak to you, grey-headed man! now tottering at death’s door,
Gazing on life’s red page, by sin and sorrow blotted o’er.
How wistfully you eye that past you never may recall,
And wish, since life must end like this, you’d never lived at all.
Oh! look to Him whom you despised, while ’twas your lot to live;
Remember! mercy is His will; His first wish to forgive.
Haste! for that dark door opens! be saved while yet you may!
Alas! that it should close again, and you should pass away.

Grahamstown, October 1, 1863.

   


 

Magmula Giliw, Nang Ikaw ay Pumanaw by Gregoria de Jesus

                               Magmula Giliw, Nang Ikaw ay Pumanaw
                                  by Gregoria de Jesus


Magmula, giliw, nang ikaw ay pumanaw, 

Katawan at puso ko'y walang paglagyan;

Lakad ng dugo sa ugat ay madalang, 

Lalo't magunita ang iyong palayaw.



Lubhang malabis ang aking pagdaramdam

Sa biglang paggayak mo't ako'y panawan, 

Alaala ko sa 'yong pagdaraanan, 

At gayundin naman sa iyong katawan.

 

Na baka sakaling ikaw ay kapusin, 

Lumipas sa iyo oras ng pagkain;

Sakit na mabigat baka ka sumpungin

Na lagi mo na lamang sa aki'y daing.

 

Saan patutungo yaring kalagayan, 

Dalamhating lubos liit ng katawan, 

Magsaya't kumain hindi mapalagay, 

Maupo't tumindig, alaala'y ikaw.

 

Kalakip ang wikang "magtiis, katawan, 

Di pa nalulubos sa iyo ang layaw, 

Bagong lalaganap ang kaginhawaan

Ay biglang nag-isip na ikaw ay iwan."

 

At kung gumabi na, banig ay ihiga, 

Matang nag-aantok pipikit na bigla, 

Sa pagkahimbing panaginip ka, sinta

Sabay balong nang di mapigil na luha.

 

Sa pagkaumaga, marahang titindig, 

Tutop ng kamay yaring pusong masakit, 

Tuloy na dungawan, kasabay ang silip, 

Sa paroonan mong hirap ay mahigpit.

 

Matapos sumilip, pagdaka'y lalabas, 

Sa dulang kakanan at agad haharap;

Ang iyong luklukan kung aking mamalas, 

Dibdib ko'y puputok, paghinga'y banayad.

 

Sama ng loob ko'y sa aking mag-isa, 

Di maipahayag sa mga kasama;

Puso ko ay lubos na pinagdurusa, 

Tamis na bilin mo'y "magtiis ka, sinta."

 

Sa akin ay mahigpit mong tagubilin, 

Saya'y hanapin at ang puso'y aliwin;

Naganap sumandali'y biglang titigil, 

Alaala ka kung ano ang narating.

 

Mukha'y itutungo, luha'y papatak, 

Katawan pipihit, lakad ay banayad;

Pagpasok sa silid, marahang gagayak

Barong gagamitin sa aking paglakad.

 

Lilimutin mo yaring kahabag-habag, 

Puhunang buhay, tatawirin ang dagat;

Pag-alis ay sakit, paroon sa hirap, 

Masayang palad mo sa huli ang sikat.

 

Ako ay lalakad, usok ang katulad;

Pagtaas ng puti, agiw ang kapalad;

Ang bilin ko lamang, tandaan mo, liyag, 

Kalihiman natin, huwag ihahayag.

 

Tangi ka sa puso, giliw, ikaw lamang, 

Paalam sa iyo, masarap magmahal, 

May-ari ng puso't kabyak ng katawan, 

Paalam, giliw ko, sa iyo'y paalam.

 

Masayang sa iyo'y aking isasangla

Ang sutlang pamahid sa mata ng luha, 

Kung kapusing palad, buhay ma'y mawala, 

Bangkay man ako'y haharap sa 'yong kusa.

 


 


Payo Sa Bumabasa ng Tula ni: Rolando S. Tinio

Payo Sa Bumabasa ng Tula
ni: Rolando S. Tinio


Hindi nalalayo
sa pagpangos ng mangga
Ang pagbasa ng tula.

Amuyin, sapulin sa kamay.
Ipalasap sa palad
Ang init at kinis ng balat,
Saka hubarin ang dilaw na katad
Na minsan may itim na pakas,
Parang matang ibig mangusap.

Huwag na huwag ngangatain.
Tubo at mangga’y magkaibang sining.

Tandaang laman ay parang laman,
Humihingi ng ingat, pagmamahal.
Turuan ang ngiping dumagan
Nang hindi mag-iiwan ng sugat.
Unti-untiin ang pagsisiwalat

Sa buto...

Na namimintog, lumalapad
Kutsilyong walang talas
Pinatuyong sinag ng araw,
Usok-at-ulang nagsabato,
Garing na di pa nakakatam,
Siksik na taguan ng yabong,
Lilim, a tatal.

Huwag mithiin ang asetikong buto,
Ang putting ermitanyo,
Bago mapagdaanan ang mga ehersisyong karnal.

Bayaang maganap
Tamis, pait, saklap
Sa isang panlasang wagas.

Huwag kainipan ang labo
Ng pisnging humuhulas.

Pagkatapos na makipagtapatan
Sa mga istasyon ng pagkalaman
Kusang liliwanag
ang sagradong buto
Na simbigat ng katotohanan
Singgaan ng pangarap at kalawakan!





 

Kung ang Tula ay Wala (pasintabi sa makata ng Obando) ni Albert Alejo, S.J.

  Kung ang Tula ay Wala
(pasintabi sa makata ng Obando)
ni  Albert Alejo, S.J.

Kung ang tula ay wala 
kundi kangkong sa sikmura
lalo pa nga kung inumit
sa munting tindahan
ng kapwa nagpapawis,
di hamak ko pang
nanaising makinig
sa dalawampu’t isang
taludtod ng kampana
na binibigkas
sa katanghalian,
o  kaya nama’y tumitig
sa andap ng kandila
na bumabasbas
sa oras ng hapunan,
pagka’t ako’y bumubuay
at ang loob ko’y pagod na
pagod na pagod na.
Nasilaw na ako sa kinang
ng mga langit na de-lata
at nalason lamang
sa pagsubo’t pagdura ng bala.
Kaya’t para na ninyong awa
mga makatang kapwa ko rin dukha,
huwag kayong manukso
at huwag ding magpatukso
kahit pa nga ba ang tula
ay maging letson sa bunganga.


 

W.H. Auden Poem "Funeral Blues" Translated in Tagalog by Jose F. Lacaba

 Dalit 
Halaw kay W. H. Auden
Salin ni Jose F. Lacaba


Patigilin sa pagikot and relo

pagpuputulin na ang linya ng telepono
Patahimikin na ang mga piyano, at ang kabaong
ay ilabas sa kalye, simulan ang prusisyon.


Patugtugin ang punumbre, at sa pagbuntunghininga
Ay iparinig sa bayan ang balitang Patay na siya.
Bihisan ng luksa ang mga nagtatrapik na pulis
lagyan ng lasong itim ang mga traysikel at dyip.



Siya ang aking hilaga, timog, kanluran, at silangan,
ang aking takipsilim at bukang-liwayway,
Ang aking piyesta opisyal at araw ng trabaho,

Akala ko’y habang buhay ang pag-ibig: Mali ako.


Bawian na ng sindi ang mga tala at bituin,
ibalot na ang buwan, at ang araw ay baklasin,
walisin na ang gubat, at ang dagat ay itapon;

Pagkat wala ng silbi ang lahat mula ngayon.



Below is the original poem.


Funeral Blues
by W. H. Auden



Stop all the clocks, cut off the telephone,
Prevent the dog from barking with a juicy bone,
Silence the pianos and with muffled drum
Bring out the coffin, let the mourners come.

Let aeroplanes circle moaning overhead
Scribbling on the sky the message 'He is Dead'.
Put crepe bows round the white necks of the public doves,
Let the traffic policemen wear black cotton gloves.

He was my North, my South, my East and West,
My working week and my Sunday rest,
My noon, my midnight, my talk, my song;

I thought that love would last forever: I was wrong.

The stars are not wanted now; put out every one,
Pack up the moon and dismantle the sun,
Pour away the ocean and sweep up the wood;

For nothing now can ever come to any good. 

Image result for sadness


Selected Tagalog Poems in Philippine Literature


ALAALA 
ni Maria Luisa F. Torres

Bakit ganoon ang alaala?
Sala sa init, sala sa lamig. May gusto kang tandaan, 
lumilipad, parang ibon. 


May ibig kang kalimutan, 
kapit-tuko, nakapagkit.

Parang makahiya, 
pag nakanti, namamaluktot. 
Parang karayom at sinulid 
na nagkabuhol-buhol.
O kaya’y tipaklong 
na tatalon-talon. 
Parang kukong ikinakaskas
sa salamin 
nakakangilo, nakakahilo 
Malambot na unan 

sa himbingan, 
nasis mong hagkan-hagkan. 

Bakit ganoon ang alaala? 
May patay na binubuhay, 
buhay na pinapatay. 



AWIT NG ISANG KABALYERO 
ni: Reuel M. Aguila 


Huwag kang tumangis 
sa panahon ng taglagas 
Kung ang mga daho’y 
humahalik sa talampakan 


Ilang panahon lang 
ako’y muling mamumukadkad 
ng mga pulang bulaklak

Tatangayin ng hangin
ang aking mga binhi
sa mga pulo-pulo 
Upang doo’y 
may tumubo ring
mga puno ng kabalyero 


At darating na naman 

ang taglagas ang pamumulaklak 
At tatangaying muli ng hangin
ang mga binhi 
hanggang sa buong kapuluan 


HAYOK 

ni Fatima V. Lim 


Kay lapot ng gabi. 


buwan ay nahating itlog, 

palutang-lutang sa ulapang lugaw.

natutunaw ang mga bituin 
asing ikinalat sinisipsip ng dilim. 


pulutang adhika, 

patikim, 
aking luha'y’ walang lasa. 


Bukas, 

magigising na ako ng mahimbing
busog sa bangungot. 


OYAYI

ni: Rio Alma 


Meme na, bunsong sinta,

Ang ina mo e ‘ala pa.
Sumaglit ke Kabesa 
At hihiram lang ng pera 


Meme na, bunsong sinta, 

Ang ina mo e ‘ala pa. 
Di masundo ni Ama
At kabayo ng malarya


Meme na, bunsong sinta, 

Ang ina mo e ‘ala pa 
Naglit lang ke Kabesa
Inabot na ng K’waresma


Meme na, bunsong sinta, 

Ang ina mo e ‘ala pa. 
Sinundo na ni Ama
Kahit habol ang paghinga 


Meme na, bunsong sinta, 

Ang ina mo e ‘ala pa. 
Nang abutan ni Ama, 
Nalilisan na ng saya.